Advertisers

Advertisers

2 traffic aide patay sa riding-in-tandem

0 304

Advertisers

Dead-on-the-spot ang dalawang traffic enforcer at sugatan ang isa nilang kasama nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bayan ng Cardona, Rizal.

Kinilala ang mga nasawi na sina Angelito Tancinco at Marcel Julian.

Nagpapagaling naman sa ospital si Jerome Kevin Cruz na nagtamo ng tama ng bala sa binti.



Ayon sa Cardona PNP, nagmamando ng daloy ng trapiko ang mga enforcer sa Manila East Road nang harangin ng mga traffic enforcer ang isang motorsiklo na nag-counterflow kahit one way ang kalsada. Dito na bumaba ang back rider ng motor at pinagbabaril ang mga enforcer.

Ayon sa pulisya, 3:30 ng madaling araw nitong Huwebes nangyari ang pamamaril.



Patuloy na tinutugis ng mga pulis ang mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">