Advertisers

Advertisers

P2.6M droga timbog sa durugista sa Rizal

0 289

Advertisers

Mahigit P2.6 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad at naaresto ang isang suspek sa buy-bust operation sa Binangonan, Rizal nitong Huwebes.

Sinabi ng Police Regional Office IV-A na ang 33-anyos na suspek, nasakoteng nagbenta ng shabu sa isang undercover na police operative sa Aragon Compound, Upper Left Kasinay sa Barangay Darangan.

Nasamsam ang humigit-kumulang 397 gramo ng shabu sa apat na knot-tied transparent plastic na may tinatayang street value na P2,699,600.



Dinala ang ebidensya sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa kaukulang laboratoryo at drug test examinations, habang ang suspek itinurn-over sa Binangonan Municipal Police Station, kung saan nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 in relation to Sections 26 at 11 of Article 2 of Republic Act. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">