Advertisers

Advertisers

Higit P100-M ginastos para sa renovation ng plenary hall ng House of Representatives

0 377

Advertisers

MAAARI nang mag-accomodate ng mas maraming bisita at mambabatas ang plenary hall ng House of Representatives sa Batasan Complex — kung saan gaganapin ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. — matapos itong sumailalim sa renovation na nagkakahalaga ng P100 milyon.

Pinangunahan ni House Secretary General Mark Llandro “Dong” Mendoza ang pag-unveil ng marker ng newly-renovated plenary hall ng House of Representatives.

Nasa mahigit P100 million ang ginastos para sa nasabing renovation kung saan dinagdagan na ang seating capacity sa loob ng plenary.



Sinabi ni Secretary General Mendoza na kailangang-kailangan na kasi ang renovation dahil ilang dekada na rin ang plenary hall.

Bukod sa renovation ng plenary may mga enhancement projects din ang ongoing sa loob ng House complex.



Sinabi ni Mendoza ang mga nasabing proyekto ay inisyatiba ni dating Speaker Lord Allan Velasco.

Dumalo rin sa unveiling ceremony ang mga House Deputy Secretaries General at iba pang opisyal ng Kamara.



Isinagawa rin noong Miyerkules ng hapon ang walkthrough sa loob ng plenary kasama si House Secretary General Mendoza kasama ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng PSG, MARO, PNP, RTVM at mga opisyal ng Kamara.

Ininspeksyon ng mga opisyal ang bagong ayos na plenary hall.

Epektibo nitong Huwebes, July 21 ipinatupad na ang total lockdown sa buong Batasan Pambansa complex.

Ibig sabihin limitado na ang makakapasok sa loob ng Kamara, tanging mga essential workers na lamang ang papayagang makapasok.