Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HUMIHINGI ng panalangin si Sharon Cuneta para sa isa niyang kaibigang na-stroke, na hindi niya binanggit ang pangalan.
Bukod dito ay humiling din ang Megastar na ipagdasal siya na sana’y makayanan niya lahat ng pagsubok na dumarating sa kanya para sa mga taong mahal niya.
Hanggang ngayon na hindi pa siya nakaka-recover sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang kaibigang si Cherie Gil, isa na naman kasing kaibigan niya ang nasa ICU dahil nga sa stroke.
Sa post si Sharon sa kanyang social media accounts ng art card na may nakalagay na “Prayer for the sick your healing prayer, ang caption niya rito ay,”Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me…I just found out that she is in the ICU now because of a ‘silent stroke.
“Please, please pray with me for her healing…Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya. Please pray.
“My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit. Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves (praying hands and hearts emoji),” sabi pa ni Mega.
Isa pang kahilingang panalangin ni Sharon ay para sa pamangkin niyang babae,”For my niece, “Bam,” I ask for all your prayers too…She is only 25…and I do not understand why she has cancer. She is a loving, happy, good girl whom we all love so much…Please, please be our prayer warriors and help us pray for her healing too…Maraming salamat po (praying hands and hearts emoji),”
Ipagdasal natin ang kaibigan at pamangkin ni Sharon na sana ay gumaling na sila, in Jesus name.
***
ILANG beses kaming china-chat ng isang not- so-young actor na nagpapatulong makagawa ng pelikula ulit, o kahit indie lang. Matagal na kasi siyang walang pelikulang ginagawa. At sa telebisyon ay madalang lang siyang mapanood.
May manager naman itong si not-so-young actor kaya nagtataka kami kung bakit sa amin nagpapatulong na magkaroon ng raket.
Siguro ay napansin niya na hindi siya nahahanapan ng kanyang manager ng project kaya humihingi siya ng tulong sa mga kakilala at kaibigan niya na isa na kami roon.
Sa ngayon nga ay walang proyekto both sa telebisyon at movie si not-so-young actor. Need pa naman niyang magtrabaho dahil may pamilya siyang binubuhay.
Sana ay magkaroon na ulit siya ng raket. Mahusay naman siyang aktor kaya may dumating sana ulit offer sa kanya sa telebisyon at pelikula.
Ang not- so- young actor na ito ay sumikat noong kanyang kabataan.