Advertisers

Advertisers

Janella nagdalawang-isip sa pagkokontrabida kay Jane sa ‘Darna’

0 353

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SINAGOT ng anak ng yumaong actress na si Cherie Gil na si Bianca Rogoff, ang comment ng isang follower kung bakit todo party na ito at hindi na nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ina.
“Your mom just passed away and you’re in a party now?”
Sagot ng anak ni Cherie na naninirahan sa New York, “Absolutely. Life is sacred and should be valued and honored, and most important, lived. And if you loved her, she`d be the first one to tell anyone to live their life adventurously and joyfully.
“I am grieving and that is similarly sacred- but it is not my job to show you that I love my mother and am allowed to grieve as publicly or privately as I wish. I am not here to perform for those who chose to follow me.
“If you`d like to unfollow, please feel free. I will keep enjoying the life my mother gave and granted me.”
Sabi pa niya, “I will not be answering or justifying all the messages in my inbox so please consider this an overall statement for now.”
Well, may kanya-kanya nga naman ng paraan ng pagluluksa kaya tama lang na huwag nang patulan ng anak ni Cherie ang mga netizen na wala naman alam gawin kundi mag-intriga.
Sadyang walang lugar sa pamilya ng namayapang actress ang mga ‘marites‘ dahil iba ang pananaw nila sa buhay.
***
INAMIN ni Janella Salvador na totoong nagdalawang isip siya na tanggapin ang iconic role na Valentina sa TV series na Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.
“I actually had second thoughts. At first pinag-isipan ko muna kasi obviously I`ve never done a role like this before. Usually ang roles na ginagawa ko, ako ang inaapi or mabait, ganyan. My first time do something like this na I`m like super villain, so pinag-isipan ko siya mabuti,” pahayag ni Janella.
At the end, best decision daw itong ginawa niyang maging mortal na kalaban ni Darna.
“Naisip ko why not? And it`s one of the best decisions I`ve ever made. I`m really enjoying being Regina and Valentina,” aniya.
Isa pa sa kinatuwa niya ay ang muling pagsasama nila ng dating ka-loveteam na si Joshua Garcia na nakatambal niya sa The Killer Bride.
“Actually it`s really nice to be working with him again kasi actually nung pumasok ako sa Darna, siya lang yung close ko roon aside from Joj (Agpangan). “Noong una, kami yung laging magkasama kasi kami yung nagka-work na before,” say ni Janella.
“Actually with Jane (de Leon) lang personally, hindi kami agad-agad naging close kasi we are both introverts but we really made an effort to bond with each other, we worked on it talaga.
“And I really want to get to know her din kasi siyempre magkakasama kami rito so kailangang maging okay. At okay talaga kami. Like I said nagba-bonding kami.
“We watch movies together, tapos nagfu-food trip kami after taping, okey naman so far. Pareho kaming old soul. Mahilig din siya sa old songs, old movies,” say pa ni Janella.
Samantala, hindi napigilan ni Jane na umiyak matapos nilang panoorin ang first episode ng Darna.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Jane na siya ang napiling gumanap na Darna samantalang maraming artista na mas sikat sa kanya.
Todo suporta at papuri naman ang natatanggap nI Jane sa mga kapwa artista lalo sa mga gumanap na Darna.
***
Sharon may pasaring sa kanyang bashers
Kahit tapos na ang election ay ayaw pa rin tantanan si Sharon Cuneta ng kanyang bashers. Tila may kinalaman sa kasikatan at kayamanan ang pamba-bash sa kanya.
Kaya naman todo display ang Megastar ng kanyang mga alahas.
Sa interview kay Sharon sa ASAP ay tila may pasaring siya sa kanyang mga basher.
Tinawag na ‘mababaw‘ ni Sharon ang mga basher. May kinalaman ang pamba-bash sa kanya during her eulogy sa wake ng yumaong Movie Queen na si Susan Roces.
Nagpasalamat din si Megastar kay Coco Martin na isinama siya sa Ang Probinsiyano.
Nagpasalamat din si Sharon sa viewers sa pagtanggap sa kanya bilang si Aurora sa serye ng tumagal ng 7 taon sa TV.
Ang wish ni Mega kay Coco ay gumawa ng part 2 dahil buhay pa raw ang character niya at si Oscar (Rowell Santiago) at ganoon din si Mara ( Julia Montes).