Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MATAGAL-tagal ding nanahimik ang byuti ng Vivamax sexy star na si Ariella Arida. Huling ginawa niyang Vivamax movie ay yung pinagtambalan nila ni Tony Labrusca, ang “Breathe Again”. Tsikang may ginagawa raw ngayong isang movie si Ariella na mas level up ang kanyang pagpapaseksi, as in bolder than her previous movies?
“Sana abangan niyo pa ‘yung mga next na gagawin ko dahil hindi niyo alam, baka mas mature pa ang ipakita ko sa inyo,” sabi ni Ariella.
Bagama’t willing siya na mas maging daring sa mga susunod niyang proyekto, isinasaalang-alang din naman ni Ariella ang kanyang magiging role, as in mas magiging malaking hamon sa kanyang acting skills.
“Siyempre sa acting kailangan natin ng level up pa na mga roles. Kaya sana mga challenging roles pa ‘yung mapunta sa akin. At hindi lang ‘yan. Kung napapansin niyo rin, medyo sexy sexy, daring daring as a mature role na ginagawa natin,” dagdag pa ni Ariella.
Well, bibigyan ni Ariella ng isang matinding laban ang kapwa niya sexy star na beauty queen din na si Kylie Verzosa. Magpakabog naman kaya si Kylie kay Ariella?
***
KUNG meron mang isang Kapuso star na masayang-masaya ngayon sa kanyang showbiz career, ito ay si Ashley Ortega. Hindi akalain ni Ashley na ang dalawang pangarap niya sa totoong buhay, ang maging isang figure ice skater at showbiz career ay mapagsasabay niya sa isang serye.
Bukod dito ay tuluyan na ngang pinagkatiwalaan ng GMA7 na bigyan ng lead role si Ashley with Xian Lim pa as her leading man, sa sport serye na “Frozen Love” pagkatapos ng isang super hit na sport serye na unang handog ng GMA7, ang “Bolera” ni Kylie Padilla.
“When I found out na magkakaroon ako ng project, halos maiyak-iyak ako noon because aside from getting a huge break from GMA, it’s about figure skating which is like a dream role of mine ever since I started showbiz.
And I remember before people would always ask me what’s your dream role, sinasabi ko figure skating. I never expected in a million years na matutuloy siya,” say ni Ashley.