Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TILL now ay di makapaniwala si Jennylyn Mercado na mayroon na siyang binatilyong anak.
Mabilis nga raw ang panahon na parang kailan lang at ngayon ay 14 years old na ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia na si Alex Jazz.
Naalala ng netizens nang itakwil ng kapatid at nanay ni Patrick ang kanilang anak noon.
Purita Mirasol or poor pa kasi dati si Jennlyn kaya nosi balasi pa siya ewan lang ngayon kung ganun pa rin ang treat susog ng netizens.
Napansin din ng netizens na mestisong mestiso si Alez Jazz at kamukha ng kanyang ama na si Patrick.
Bumuhos ang likes at comments sa picture ni Jazz na naka-post sa socmed.
***
Vice may pinatamaan na tsismosa na matulog ng maaga para imaging fresh
SA noontime show na It’s Showtime ay tila may isang tsismosa na pinatatamaan si Vice Ganda.
Nakarating na nga sa kampo nito na naging pulutan silang mag-asawa ng magkakasamang tsismosa.
Kumalat kasi na nagkahiwalay at pineperahan lang ni Ion Perez si Vice kaya kapit tuko ito sa komedyante.
Sumagot naman si Ion na wala na raw boses at pawala na ito ay di pa maganda ang lumalabas sa bibig nito na tinagurian ni Vice na tsismosa.
Nagparunggit ito sa kanilang noontime show na matulog nang maaga at di pakikialam ng buhay ng may buhay ang panghimasukan nito.
Matulog ng maaga para maging fresh, ayon pa kay Vice.
Umani ng samu’t saring reaksyon ang patutsada na ‘yun ni Vice da itinuring nitong tsismosa.
Matatalino naman ang netizens at nahulaan na si Cristy Fermin ang pinatututsadahan ng komedyante.
Well, well, well… ‘Yun na!