Advertisers
PITONG taong pagkakabilanggo ang inihatol ng ng Sandiganbayan sa Mayor at 2 pang opisyales ng Northern Kabuntalan, Maguindanao.
Kinilala ang mga akusado na sina Mayor Datu Umbra Ramil Dilangalen ng Northern Kabuntalan, Maguindanao; Kabiba Mael, treasurer; at Rahima Ali, municipal accountant.
Sa ulat, sangkot ng mga akusado sa katiwalian sa P5 million municipal water project noon pang 2011.
Ayon sa anti-graft court 5th Division, nagbigay ng pabor ang tatlong akusado sa contractor ng proyekto na ang private firm FFJJ Construction para sa pagtatayong Small Water Impounding Project.
Lumabas sa pagsisiyasat na nagbayad na full payment ang LGU sa FFJJ construction kahit hindi pa nasimulan ang proyekto noong 2011.