Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAAARI na naming i-reveal kung sino ang male lead star sa Stay, ang international BL (Boys Love) series na bagong project ng Team Campy Entertainment at ito ay walang iba kundi si SEBASTIAN CASTRO!
Modelo at TV and movie actor sa Pilipinas si Sebastian na nagdesisyong lisanin ang bansa dahil sa pandemya ng COVID-19.
Bumalik sa US si Sebastian dahil naroroon ang kanyang mga magulang na nais niyang makapiling sa panahon ng lockdown sa buong mundo noong March 2020.
Iniwan ang showbiz, nakahanap ng bagong career sa US si Sebastian bilang isang real estate agent. Nagtagumpay naman siya sa bago niyang karera at sa kasagsagan ng pandemya ay maraming real estate properties na naibenta.
Tiyempo namang nasa US din ang mga Pilipinong direktor na sina Allan Michael Ibañez at Dexter Paglinawan Hemedez at naghahanap ng magiging bida nila sa Stay.
At matapos ang masusing paghahanap sa pamamagitan ng social media ay nagtagpo ang landas nila ni Sebastian na siya na ngang bidang si Andre sa Stay.
Maliban sa mga eksena ni Grace played by Lotlot de Leon na via Zoom naisagawa ang shoot, ang kabuuan ng Stay ay kinunan sa Los Angeles sa California, USA.
Sina Dexter at Allan ang mga direktor ng critically -acclaimed indie film na 1st Sem noong 2016 na pinagbidahan nina Lotlot at baguhang aktor na si Darwin Uy.
Abangan sa Facebook page at Youtube channel ng Team Campy Entertainment (kumpanya na nag-produce ng Stay) ang marami pang updates, photos at videos, release date at platforms tungkol sa nabanggit na BL series.
***
MOTORSIKLO pala ang gamit ni Yasser Marta kapag nais muna niyang kalimutan ang mga stress sa buhay.
Gumaganap bilang si Lucas sa What We Could Be ng GMA, tulad din ng ibang artista si Yasser na nais “takasan” ang anumang karakter sa telebisyon o pelikula kapag hindi na nakaharap sa kamera.
At para kay Yasser, ang pagmomotor ang nagsisilbing pagtakas niya sa kanyang TV role at sa tunay na buhay ay ito rin ang hobby ng aktor.
Pinaka the best adventure para kay Yasser ang pagro-roadtrip gamit ang kanyang pinakamamahal at most-prized motorcycle.
Napakarami na niyang napuntahang lugar sakay ng kanyang motorsiklo base na rin sa kanyang mga post sa Instagram account.
Ilan sa kanyang mga nabisita na ay ang Pagudpud sa Ilocos Norte, General Nakar sa Quezon, at Rizal.
Nakasali na rin si Yasser sa mga cycling race.
Dahil sa pagmomotor, nakakokonekta si Yasser sa kalikasan, bagay na simpleng kasiyahan ng aktor.
Ayon sa isa niyang Instagram post na makikita ang Sierra Madre, “And into the mountains I go to lose my mind and find my soul.”
Humbling experience rin ito para sa twenty six-year-old Sparkle hunk dahil natututunan niyang makibagay sa mga lokal na residente sa mga liblib na lugar ng mga probinsyang kanyang pinupuntahan habang nagmo-motor camping.
Hindi rin nag-iinarte si Yasser at wala siyang pakialam kahit putikan ang kanyang dinaraanan sa mga cycling trail kaya maging siya ay halos balutin na rin ng putik.