Advertisers

Advertisers

‘Crime organization’ ni Bantag iniimbestigahan ng DoJ

0 200

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN na ang “crime orgnization” ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief, General Gerald Bantag.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla, malinaw na may crime organization si Bantag dahil sa mga nakumpiskang droga, alak, cellphone at computer sa loob ng kulungan.

Dagdag pa dito ang mga kwestyunableng pagkamatay ng ilang inmates.



Nabatid na mahigit 30 bangkay ang nadatnan ng mga imbestigador sa Eastern Funeral Services, kungsaan kinuha ang bangkay ng napatay na middleman na si Jun Villamor.

Nais ni Remulla na inbestigahan kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga mga inmate na nakatambak parin ang mga labi sa nasabing punenarya.

Magugunitang ilang high profile inmates ang nasawi noong kasagsagan ng Covid.(JONAH MALLARI)