Advertisers
NASAWI ang 4 senior citizens nang madisgraya ang sinasakyang tricycle sa Barangay Bagumbayan, Hilongos, Leyte nitong Miyerkoles.
Sa imbestigasyon ng Hilongos PNP, papuntang town proper ng Hilongos ang mga biktima nang pagdating sa pababang bahagi ng daan ay nawalan ng preno ang tricycle at nahulog ito sa drainage canal.
Ang driver ng tricycle na si Vicente Atipon at ang pasahero na si Dario Canales ay agad binawian ng buhay, habang sila Petronila Atipon at Francisco Atipon ay nadala pa sa hospital nguni’t namatay din habang ginagamot.
Ang mga biktima ay papunta sa Poblacion para kumuha ng kanilang ‘social pension’ nang mangyari ang disgrasya.