Advertisers
PATAY ang isang pulis nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa poste ng kuryente na nakaharang sa gitna ng kalsada sa Sta. Fe, Leyte, Miyerkules ng gabi.
Dead on the spot si Staff Sergeant Gary Cabujo dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan.
Patungo na sa duty sa regional police office sa Palo, Leyte si Cabujo nang maaksidente sa national highway sa Barangay Pilit, Sta. Fe, 8:00 ng gabi.
Sinabi ng pulisya, matapos sumalpok sa poste si Cabujo, nalaglag pa ito sa creek.
Matagal nang inirereklamo ang mga poste ng kuryente sa gitna ng highway matapos isailalim sa road-widening project.