Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
SWAK sa bansag bilang Pandemic Actress ang talented na si Jhassy Busran. Kaliwa’t kanan kasi ang blessings na natatanggap niya ngayon.
Unang nakilala ang 16 year old na dalagita sa short film na Pugon na nanalo siya ng ilang acting awards. Kabilang dito ang IFFM (New York)-Jury’s Best of the Best Performance of an Actress, Gully award- Best Child Actress, Ashoka international Film Festival 2021- Best Child Artist, at WCEJA- Outstanding Lead Actress in Movie.
Sumunod ay napanood si Jhassy as one of the lead sa pelikulang Caught In The Act ni Direk Perry Escaño. Pagkatapos ay nagkasunud- sunod na ang mga TV guestings niya like sa Bubble Gang at Imbestigador.
This month lang ng November ay isa si Jhassy sa pinarangalan sa Gintong Kabataan Awards 2022.
Napanood din namin ang production number ni Jhassy sa katatapos na Cosmo Manila King & Queen sa SM Skydome at kahit walang oras masyado para mag-practice ay nagpakita ng husay at pagiging versatile ang dalagita.
Susunod na aabangan kay Jhassy ang pelikulang Home I Found In You (HIFIY) na tampok ang kanilang love team ni John Heindrick Sitjar na binansagang JhasDrick. Mula sa direksiyon ni Gabby Ramos at under REMS Film, tampok din sa HIFIY sina Harvey Almoneda, Eunice Langusad, Diego, Orlando Sol, at Soliman Cruz.
“Abangan po ninyo ang Home I Found In You, hindi kami puwedeng mag-spoil kung kailan ipalalabas ang movie namin, pero mapapangako namin na very-very soon ay mapapanood nyo na po siya.
“Actually po, iyong FB series po namin ay isu-shoot pa lang po namin, pero part siya ng promo ng movie namin which is HIFIY. Next month if I’m not mistaken, mapapanood nyo na po ito,” sambit pa ni Jhassy.
Si Jhassy din ang brand ambassador/endorser ng Winkle Tea and Winkle Donut, kaya hataw talaga ang young actress/singer sa mga nangyayari sa kanyang career. Si Ms. Whinie Marata ang President and Chairman of Winkle Tea & Winkle Donut Trading Corp.
Balita namin ay pinaghahandaan na ang TV commercial at billboard ni Jhassy para sa Winkle Milktea at Winkle Donut.
“Happy kami to be working with Jhassy dahil alam namin na malaki ang maitutulong niya para tangkilikin pa ang aming Winkle Tea and Winkle Donut, ” pahayag ni Ms. Whinie.