Advertisers
Butas ang bungo ng isang security guard nang barilin ng hindi pa kilalang salarin sa binabantayan nitong Pawnshop nitong Huwebes ng umaga, Nobyembre 17 sa Parang, Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Edmar Reyes Bande, 44, at residente ng Sitio Ambo, Brgy. Sarmiento Parang, Maguindanao Del Norte.
Batay sa report ng Parang Municipal Police Station, 7:30 ng umanga nang maganap ang krimen sa pwesto ng biktima sa Parang Pawnshop Branch 1, sa nasabing bayan.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, abala ang biktima sa pagbubukas ng pawnshop ng bigla na lamang itong binaril sa ulo at dibdib na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo sa naghihintay nito kasama at humarurot sa di-malamang direksyon.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, nahagip na CCTV ang gunman at mayroon na silang person of interest.
Inaalam na rin ang tuna na motibo sa pagpatay sa biktima.