Advertisers
UMAABOT sa mahigit 1,200 trabaho ang naka-abang sa mga Pilipino sa Israel.
Nangangailangan ng hotel workers at housekeepers ang naturang bansa, kung saan ang starting salary ay nasa mahigit P80,000 kada buwan at may mga benepisyo pa.
Para sa mga nais mag-apply, kailangan muna magparehistro via online bago magpunta sa tanggapan ng Department of Migrant Workers (DMW).
Dagdag pa, kailangan din na mayroong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) National Certificate II (NC-II).
Nagpaalala naman sa publiko na mag-apply mismo sa nasabing ahensya at walang anumang babayaran para sa aplikasyon.