Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA panayam ng talent manager turned YouTuber na si Ogie Diaz, nag-share ang dating frontman ng Callalily na si Kean Cipriano ng kanyang mga naging karanasan bilang singer at actor.
Passion daw niya ang singing pero naging raket din niya ang pag-arte.
Katunayan, na-link daw siya noon kay Alex Gonzaga.
Madalas daw kasing sila ang magkasama at magkapareha sa maraming projects kaya buong akala ng kafaneyan ay more than love team partners ang relasyon sila.
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi umabot sa puntong nagkaroon sila ng romansa ni Alex.
Hirit pa niya, normal lang daw naman na maging close siya sa actress-vlogger dahil ito ang nakatrabaho niya for the longest time.
“Kung meron akong isang tao na pinakamatagal na nakasama rin sa industriya, si Alex kasi talaga. Kasi unang stint ko sa TV, kami talaga ni Alex yung magkasama,” rebelasyon niya.
Sey pa niya, na-enjoy daw naman nila ni Alex ang company ng isa’t isa.
Hindi rin raw niya ito makalilimutan dahil ito iyong kasangga niya noong mga panahong grinu-groom sila as love team partners.
“Of course we had a good run do’n sa ano na ‘yon,” aniya. “Naging kaibigan ko na rin naman si Alex talaga,” dugtong niya.
Tungkol naman sa kanyang dating bandang Callalily, inamin din niyang hindi sila in good terms ng ibang miyembro ng banda.
“I think ang sad part lang is umabot siya sa point na instead na mag-usap-usap, eh napunta sa social media ‘yung issue kaagad. Do’n kaagad dinala,” bulalas niya. “Definitely hindi kami okay. Hindi kami good, diba? It’s sad na gano’n. Kasi ako naman, I’m always willing to talk, discuss things, gano’n,” pahabol niya.
Pakiramdam din niya ay tapos na ang misyon niya sa banda kaya tumiwalag na siya rito.
“We had a good run. We’ve done it,” sey ng dating frontman ng Callalily “I felt my time is done doon,” pagtatapos niya.
Sa ngayon, happy na si Kean bilang producer ng kanyang music label na OC Records na tumutuklas ng talents.