Advertisers

Advertisers

Male singer nagbalot ng pagkain at nagpabili pa ng pizza sa event na pinuntahan

0 218

Advertisers

Ni WENDELL ALVAREZ

GUSTUNG-gusto pala ni male singer ang awitin ni Sharon Cuneta na “Bituing Walang Ningning” lalo na sa chorus nitong “BALUTIN MO AKO”.
Sa isang special event, guest si male singer at naghandog siya ng mga awitin.
Sikat naman si male singer pero nang ipinakilala siya ng host sa nasabing event hindi siya masyadong pinalakpakan.
Nagtataka kami bakit ganuon ang nangyari, deadma sa kanya ang audience kahit umawit siya nang umawit hanggang sa mamalat ay hindi siya pinagkaguluhan.
Samantala, pag kasama niya ang kanyang ka-loveteam talagang naghuhumiyaw ang kanilang mga fans sa katitili.
Isa lang ang naisip namin, hindi kaya ang ka-loveteam niya lang ang sikat at si male singer ay nadadala lang?
Matapos ang performance niya agad siya pumunta sa backstage. Siyempre inasikaso siya ng coordinator ng nasabing event.
Pero nagulat si coordinator dahil dalawa lang sila kakain ng kanyang P.A. ang dami nitong inorder.
Siyempre, dahil artista siya medyo banayad ang kanyang mga subo na para bang nagpika-pika lang siya.
‘Yon pala may plano si male singer na ipabalot ang natitira niyang order.
Hindi lang iyon, nag-order pa siya ng dalawang family pizza at sinabi sa coordinator na isama na lang daw iyon sa mga take out niya.
Tumaas ang kilay ni coordinator kasi nga hindi naman cheap ang venue kundi isa itong five star hotel kaya ang presyo ay tiyak gold.
Walang nagawa si coordinator kundi tumalikod na lang ito at pabulong na umawit ng “Balutin mo ako….sa iyong….”.
Kapatid na Blessie kilalang-kilala mo siya kasi nga kilala nga ni Miss Singapore Dims Ignacio at Friendship Zenie Dayanghirang.
***
COUN. ALFRED VARGAS BALIK-PROYEKTO KAYA NAGDIYETA
AFTER pandemic, ngayon lang namin muli nakaharap ang dating Congressman ng 5th district of Quezon City na si Alfred Vargas, ngayon ay isa na siyang councilor ng nasabing distrito.
Nang makita namin si Konsi medyo fit na fit ang kanyang katawan. Kaya agad namin sinabing bagay sa kanya ang payat.
Agad niyang sinabing nagbawas daw talaga siya ng timbang simula nang tinanggap niya ang project sa GMA 7 nuon na “Unica Hija”, nabawasan siya ng 20 pounds, kailangan daw kasi lalo na sa “AraBella”.
Sa ngayon daw kailangan niya pa magbawas ng 8pounds kaya one day a meal lang ang ginagawa niya at kung minsan daw ay talagang nagba-bike siya.
Kinumusta naman namin sa kanya si Manay Lolit Solis, ang tumatayong manager niya sa Channel 7, ok naman daw ito at lagi silang nagkakausap thru cellphone at dinadalaw niya rin ito.
Bilib nga daw siya kay Manay Lolit kasi nga talaga raw kahit sa kanyang karamdaman ay fighter ito na talagang nilalabanan niya at wala siyang pakialam sa mga ipinagbabawal sa kanya.
Wala naman daw silang contract na pinirmahan as manager and talent kundi verbal lang ito at respeto sa isa’t isa.