Advertisers

Advertisers

KathNiel siniguro ang pagpapakasal sa 2023

0 248

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAGING topic sa isang vlog o showbiz online tsikahan nina Cristy Fermin at mga kasama ang umanong kasalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Ikatutuwa at ikakikilig daw ito ng fans ng KathNiel if magpapakasal na ang couple.
Sa chikahan nina Cristy at mga kasama ay naging topic ang kasalan daw nina Kathryn at Daniel.
Next year, 2023 raw ang nakatakdang kasalan ng KathNiel, patotoo ng source ni Cristy.
Ubra na naman daw magpakasal ang dalawa dahil tumuntong na sa labing isang taon ang relasyon ng KathNiel.
Bukod sa tagal na ng relasyon ng celebrity couple, nasa tamang edad na rin ang dalawa.
Dagdag pa na boto ang kanilang mga kaanak sa relasyon ng KathNiel kaya wala naman daw magiging problema kung lumagay na sila sa tahimik.
Maraming fans ang abangers na sa maituturing na Wedding of the Century.
***
Pokwang naiba ang pakiramdam sa hugis ng kamote
SA post ng TV Host-actress-comediene na si Pokwang sa kanyang IG account, maraming nalokang kaibigan at netizens.
Nag-post kasi ito ng kamote na plano sana niyang magluto ng meryenda.
Pero napatigil ito nang makita ang kamote na hugis ari ng lalake.
Sa reaction ni Pokwang nang makita ang hugis ng kamote ay mukhang naiba ang pakiramdam.
Kaya maraming napa-comment na tila naaalala pa ni Pokwang ang kanyang ex na si Lee O Brian.
Sagot naman ni Pokwang na hindi naman daw hugis kamote ang kanyang ex at nilagyan niya ito ng laughing emojis.
Naghiwalay daw sila nang kanyang ex at maayos ang kanilang co-parenting sa anak na si Malia.
Kahit ang mga kaibigan sa showbiz ay napa-comment din sa post na hugis kamote ni Pokwang.
Well, well, well…’Yun na!