Advertisers
NAPAGKASUNDUAN ng 17 alkalde ng Metro Manila na suspindehin ang pagkumpiska ng driver’s license ng mga traffic violators.
Ang nasabing hakbang ay para magbigay daan sa planong pagsasagawa ng single ticketing system sa National Capital Region.
Tugon din ito sa naging hiling ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na pansamantalang itigil ang nasabing pagkumpiska ng mga driver’s license.
Paliwanag ni Abalos, tanging ang Land Transportation Office (LTO) ang maaaring magkumpiska ng mga driver’s license.
Sa susunod na mga araw ay inaasahang magpapasa ang Metro Manila Mayors ng ordinansa sa nasabing usapin.