Advertisers
Isang biik ang isinilang na walo ang paa, at may nakalawit na bituka sa Zamboanga City.
Sa ulat, noong Miyerkules isinilang ng inihing baboy ang 13 niyang biik.
Ayon kay Pio Torres, ng Barangay Boalan, may-ari ng inahing baboy, malulusog ang mga biik, maliban sa isa na walo ang paa.
Maliksi naman daw nang isilang ang kakaibang biik kaya isinama ito sa iba pang biik para makasuso sa inahin.
Pero kinaumagahan ng Huwebes, nakitang patay na ang biik.
Ayon Dr. Arnedo Agbayani, assistant sa city veterinarian office ng lungsod, normal at nangyayari talaga ang pagkakaroon ng abnormalidad sa mga hayop dahil sa genetics nito.
Binabalak naman ni Torres na ipreserba ang namatay na biik.