Advertisers
Patay ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na misis nang saksakin ng mister sa Bombon, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Manilyn Boaquiña y Adante, 32 anyos; at ang salarin na si Salvador Boaquiña y Fajardo, 41 anyos,
Sa ulat ng PNP, nangyari ang insidente 9:20 ng gabi nitong Disyembre 12, 2022.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng alitan sa pagitan ng mag-asawa hanggang sa pinagsasaksak ni mister si misis.
Matapos ang insidente kaagad na sumuko sa barangay official si Salvador habang isinugod sa ospital sa Naga si Manilyn pero ideneklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.
Ayon kay PLt. Rechilda Matias hepe ng Bombon PNP, na sinabi ng Salvador na nagdilim ang kaniyang paningin nang sumbatan o kumprontahin ng asawa ukol sa paghahanapbuhay o trabaho.
Sinabi ni PSMS Diosdado Domalasa, Chief ng PCAD sa Bombon, sinabi pa ni Salvador na minsan nakiki-ani ito pero walang permanenteng trabaho.
Napag-alaman, na kauuwi lang ni Manilyn noong Nobyembre galing sa paghahanapbuhay sa ibang bansa.