Advertisers
Nasa mahigit P500,000 cash ang natangay sa isang e-bingo outlet habang arestado ang isa sa dalawang lalaki na nangholdap dito gamit ang toygun sa General Trias City Cavite nitong Martes ng hapon.
Nakakulong na ang suspek na si Roy Castolo, nasa hustong gulang, residente ng Sto. Tramo, Barangay Sto. Rosario, Cavite habang tinutugis na ang nakatakas na si Jaime Ong, 19, ng Barangay Anabu II-D, Imus City.
Sa ulat, nagpanggap na customer ang mga suspek nang pumasok sila sa Bingo Extreme sa Barangay Manggahan sa Gen. Trias bandang alas-4:30 ng hapon. Ilang sandali lang, lumabas ang mga ito para magpalit ng damit, muling pumasok sa lugar at nagdeklara ng holdap. Gamit ang isang toygun, tinangay nila ang higit sa P500,000 kita ng gambling center.
Samantala, nakaidlip umano ang security guard na si Roger Balasabas Verdarozaga Jr. kaya natangay din ang service firearm nito.
Nadakip si Branzuela sa follow-up operation pero hindi narekober ang pera na aniya ay ipinasa niya kay Ong. Nakilala ang mga suspek sa pamamagitan ng security screening ng e-bingo.