Advertisers
Ni BETH GELENA
MAY plano si Sunshine Cruz na mag-New Year sa Bohol kasama ang tatlong anak na sina Angelina, Samantha at Francheska.
“I worked really hard this year, bonggang bongga,” ani Sunshine.
“Excited at looking forward ako. Masaya ang aming New Year. Kahit paano, makaka-travel ako at makakasama ko ang mga anak ko.”
Kung matutuloy ang plano, baka sumama ang kapatid nina Sam sa ama na si Diego Loyzaga at maging ang ex-husband ni Sunshine na si Cesar Montano ay join sa kanilang out-of-town trip.
“I’m not sure yet if this will push through, but Diego will join us,” sabi ng aktres.
“Si Cesar din, ‘yung partner niya at mga kapatid ng mga anak ko might be able to join.”
After ng New Year na bakasyon ay agad na isasalang si Sunshine sa An Affair To Forget megged by Louie Ignacio.
“I am very blessed,” ani Cruz. “I am very happy. Walang dapat i-reklamo. I am being blessed as well as my kids. My heart is okay. Kung ano man ang meron o wala, I just want to focus on what I’m doing.”
Sa An Affair To Forget kapareha ng aktres si Allen Dizon.
First time nilang magsasama sa isang proyekto na gagampanan nila ay bilang mag-asawa.
Nagkatrabaho na sila sa
Pamilya sa Dilim kung saan ay magkapatid sila.
Puring-puri ni Sunshine si Allen.
“Napakagaling dito ni Allen sa An Affair To Forget.
“Award-winning actor natin. Nakakanerbiyos siyang katrabaho dahil napaka-galing niyang artista. Si Angelica [Cervantes] and Karl [Aquino], napaka-galing din nila.”
“When I read the script [written by Quinn Carillo], I fell in love with it agad. Nakakatuwa and nakaka-excite.
Start na sa December 23 ang An Affair To Forget via streaming sa Vivamax.
Sexy film kung tutuusin ang AATF pero hindi nagdalawang isip ang aktres na tanggapin ang pelikula.
May sexy scene si Sunshine at may kissing scene rin sila ng aktor.
Kaya ang tanong magbabalik na ba sa pagpapaseksi ang aktres sa edad 45?
***
ANNE GAME NA SA DRAMA ROLE
Next year ay handang-handa na si Anne Curtis sa drama roles.
Sabi nga ng isang netizen, “Gusto ko acting niya sa teleseryeng Maging Sino Ka Man.”
Mula nang manganak si Anne ay hindi na siya muling nakagawa ng pelikula.
Nag-concentrate kasi siya sa pag-aalaga sa anak niyang si Baby Dahlia.
Next year ay three years old na ang anak nila ni Erwan Heussaff kaya ready na raw siyang gumawa ng drama roles.
***
YSABELLE PALABRICA PEG SINA CATRIONA GRAY AT LIZA SOBERANO
SI Ysabelle Magno Palabrica ay isa sa talent ng Jamsap na pag-aari ng mag-asawang Jojo Flores at Maricar Moina na dating mga artista.
Pero hindi sila naging mapalad sa kanilang careeer kaya nagtayo sila ng agency kung saan naging talent supplier sila sa halos lahat ng shows at serye sa ABS-CBN.
Isa lang si Ysabelle from Iloilo na talent ng Jams na ang dream ay maging isang beauty queen like Miss Universe 2017 Catriona Gray.
Siya ay taga Bingawan, Iloilo at Grade 9 student ng Center Phil Montessori (Janiuay Branch).
Ani Ysabelle sa kanyang yaya nung maliit pa siya, “i will be the next Miss Universe 2030.”
Idol ni Ysabelle ang Miss Universe 2017 na si Catriona Gray.
Ayon naman sa bagets gusto rin daw niyang pasukin ang showbiz kasi biggest inspiration niya si Liza Soberano.
“Gusto nya talaga modeling but mukhang excited din sya mag movie.. right now, may tumatawag for commercials so i hope she will make it,” sambit ng magandang ina ni Ysabelle.