Para sa Pista ng Nazareno: Mayor Honey, nag-ocular sa Quirino Grandstand
Advertisers
NAG-OCULAR inspection na sa Quirino Grandstand si Manila Mayor Honey Lacuna, kasama sina Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon at City Engineer Armand Andres kaugnay ng mga gawaing may kinalaman sa Pista ng Itim na Nazareno.
Pinangunahan din nina Lacuna at Dizon ang send-off ng mga MPD personnel na itatalaga upang mangasiwa ng peace and order ng mga nasabing gawain.
Tiniyak naman ni Dizon sa allade na ang mga MPD personnel na itatalaga ay episyenteng mababantayan ang seguridad at kapayapaan ng pagtitipos para sa nasabing selebrasyon.
Ipinaliwanag naman ni Engr. Andres kay Lacuna ang lahat ng physical arrangements na ginawa sa Quirino Grandstand pati na ang backdrop sa nasabing okasyon. Nagsagawa na rin ng paglilinis ang City Hall team sa nasabing lugar.
Inaasahang magsasagawa ng banal na misa sa nasaabing lugar habang ang mga deboto ay papayagang makita at punasan o pahiran ang imahe ng Itim na Nazareno sa halip ang nakagawiang ‘Pahalik.’
Samantala ay inalerto naman ng spokesperson ni Lacuna na ang publiko kaugnay ng kumalat na fake news na nag-aanunsyo sa social media ng class at work suspension nitong Huwebes, January 5.
Sinabi ni Atty. Princess Abante na ang nasabing fake news na nag-trend sa ay nagpapakita ng grabbed photo mula sa dati o nakaraang anunsyo ng class suspension.
“As of this posting, no announcement has been made by the City Government of Manila regarding suspension of classes and work for today, January 5, 2023,” sabi ni Abante.
“The City of Manila would like to remind the public that all official announcements shall be made through the Manila Public Information Office Facebook Page and through Mayor Dra. Honey Lacuna Facebook page,” paalala ng alkalde. (ANDI GARCIA)