Advertisers
ARESTADO ang isang sikat na vlogger sa isinagawang warrant operation sa kasong panggagahasa sa Barangay San Francisco Gen Trias Cavite.
Kinilala ang suspek na si Daniel Butas aka Khifer Brosse, 25 anyos, vlogger, at residente ng Brgy. San Francisco Gen Trias City Cavite.
Sa ulat mula sa tanggpan ni Cavite Provincial Director Police Col Christopher Olazo, kasama sa Most Wanted Person ng Regional Level ang suspek at sa ikinasang warrant operations ng General Trias City Police at naaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Giann Enrico Cammayo Navarro Presiding Judge Regional Trial Court Branch 133 Tagaytay City Cavite sa kasong Rape docketed under Criminal Case No. TG-22-1268.
Inireklamo ang vlogger ng isang dalaga na ‘di umano’y kaibigan ng nasabing suspek at ayon sa kumalat na video sa social media.
Napag-alana na 3 beses umano sapilitang ginalaw ang biktima ng suspek sa magkakaibang araw. (IRINE GASCON)