Advertisers

Advertisers

Ex-police timbog sa kasong ‘double murder’

0 242

Advertisers

NADAKIP na ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Unit 7,RIU-3, RIU-NCR at Pulilan Police ang isang dating pulis na kabilang sa talaan ng Department of Interior and Local Governement (DILG) ‘most wanted’.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP Regional 3 Director, Brig. General Cesar Pasiwen, kinilala ang nadakip na si SPO1 William Reed. 57 anyos, ng Brgy. Poblacion Pulilan, Bulacan.

Inaresto si Reed sa bisa ng warrant of arrest sa kasong double murder na inilabas ni Judge Rodolfo A Ponferrada noong Mayo 01, 2001.



Kabilang si Reed sa national most wanted person ng DILG na may patong sa ulo na P250,000.00.

Samantala, tiniyak naman ni Pasiwen na walang puwang sa administrasyon ni PBBM ang mga pulis scalawags at wanted persons na dapat lamang papanagutin sa batas. (Thony D. Arcenal)