Advertisers

Advertisers

PBBM tiniyak na lahat ng nakokolektang buwis napupunta para sa ikagaganda ng ekonomiya

0 106

Advertisers

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang masasayang na mga buwis na makokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Inihayag ito ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview sa Philippine International Convention Center (PICC) matapos na pangunahan ang kick off ng National Tax Campaign.

Sinabi pa ng Pangulo na makakaasa ang sambayanang Pilipino na mapupunta ito sa ikagaganda ng ekonomiya ng bansa para sa ikagaganda ng buhay ng bawat Pilipino.



Binigyan-diin ni PBBM na aayusin ng BIR ang pangongolekta ng buwis para mapabilis at makatulong sa ikaaangat ng ekonomiya.

Aniya aayusin ang bagong sistema at gayundin ang digitalization na kanilang ginagawa sa kasalukuyan.



Tiwala at tiniyak ng punong ehekutibo na magiging mapagbantay at titiyakin ng BIR na hahabulin ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">