Advertisers
AS expected, dinumog ng kanyang mga tagahanga ang nakaraang Anniversary Concert cum Birthday celebration ng tinaguriang Multi-Media Star Toni Gonzaga na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Maaga pa lang ay mahaba na ang pila ng mga nagpunta sa concert ni Toni, so fake news lang ang mga pinakalat ng ibang walang magawa sa buhay na nilangaw ang konsiyerto ni Toni.
Patok sa audience ang production numbers ng mga guest na sina Andrew E, Alex Gonzaga at Martin Nievera.
Naibigan din ng concertgoers ang mga special number ni Toni na patungkol sa mga naging journey niya sa showbiz sa loob ng 20 taon.
Ilang kaibigan at nagmamahal na mga taga-showbiz kay Toni ang nanuod sa concert gaya nina Sen. Robin Padilla at misis na si Mariel Rodriguez, Kakai Bautista, Bayani Agbayani at Wacky Kiray.
Ilang government officials din ang namataan sa audience tulad nina Willie Ong at Sen. Robin.
Sobra ang pasasalamat ni Toni sa suporta ng kanyang parents na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty Gonzaga.
Kumanta pa nga si Daddy Bonoy kung saan nagmana raw sa pagkanta si Toni.
Siyempre, hindi rin nawala ang mahal na asawa ni Toni na si Direk Paul Soriano at ang kanyang anak na si Seve.
Kaya congrats sa successful concert Toni at sorry na lang sa bashers mo.