Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 41 namatay; 287 gumaling; 4,226 bagong kaso

0 242

Advertisers

PATULOY sa pag-akyat ang kaso ng covid-19 sa bansa na ngayon ay nasa 126,885 ang kabuuang bilang.
Ito ay matapos makapagtala nitong Sabado ang Department of Health ng 4,226 na mga bagong kaso ng virus infection.
Ito ay mga resulta na isinumite sa kagawaran ng 82 mula sa 99 na kasalukuyang mga operational labs.
Nasa 57,559 naman ang mga aktibong kaso.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 2,669 new cases.
Sinundan ng Laguna na may 285 new cases, Cavite na may 154 new cases, Cebu na may 125 new cases, at Rizal na may 118 new cases.
May 287 namang naiulat na bagong gumaling sa covid-19.
Dahil dito, aabot na ngayon sa 67,117 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 41 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa 41 na nasawi, 14 ay ngayong Agosto, 16 noong Hulyo, 5 noong Hunyo, 1 noong Mayo, 3 noong Abril at 2 noong Marso.
Sa ngayon, umakyat na sa 2,209 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 95 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)