Advertisers

Advertisers

Duterte may bilin kay Galvez kapag kinulit ng mga Senador sa ‘Covid inquiry’… ‘IWANAN MO!’

0 266

Advertisers

AMINADO ang Malakanyang na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay ­vaccine czar Carlito Galvez Jr. na tumayo at iwan ang mga senador kung magiging verbally ­abusive na ang mga mambabatas sa gagawing pagdi­nig sa COVID-19 vaccination program.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mismong si Galvez ang nagpaalam sa Pangulo na kung maaari ay hindi na dumalo sa Congressional hearings. Pero hindi aniya pumayag ang Pangulo.
Utos ng Pangulo kay Galvez, ituloy lamang ang pagsagot sa mga tanong.
Subalit kapag naging abu­sado na ang mga mam-babatas sa pananalita, ­dapat na itong layasan.
Kapag aniya na-cite in contempt, pangako ng Pangulo, susunduin niya si Galvez.
Pahayag ni Roque, kung itutuloy ng Senado ang pagdinig sa Biyernes (Enero 22), tiyak na dadalo si Galvez at si Health Secretary Francisco Duque III.
Pero binibigyan aniya ng lisensya ni Pangulong Duterte ang dalawang ­kalihim na umalis sa ­pagdinig kapag hindi na naging maayos ang ­pananalita ng mga Senador. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)