Misis huli si mister nakapatong sa iba, sinaksak sa puwerta ang kabit

116

DAHIL sa matinding galit nang makitang nakikipagtalik sa ibang babae ang kaniyang mister, sinaksak ng ginang sa maselang bahagi ng katawan ang kaulayaw ng kaniyang asawa sa Pangasinan.
Sa ulat, sinabing kaarawan ng mister nang magpunta sa bahay nito sa Barangay Palua sa Mangaldan ang biktimang itinago sa pangalang “Leslie”, at isa pang kasamang babae para bumili umano ng panindang kamoteng-kahoy.
Nasa bahay din ang misis ng lalaki na itinago naman sa pangalang Marie, kuwento ng isa niyang kamag-anak.
Dahil inakala ni Marie na bibili lang talaga ng paninda sina Leslie at kasamang babae, umalis ito at iniwan ang tatlo.
Pero nang bumalik si Marie sa bahay, inabutan niya ang tatlo na nag-iinuman at kumakain para ipagdiwang ang kaarawan ng mister.
Sinusubuan pa umano ni Leslie ang mister ni Marie.
Nagpigil daw sa galit si Marie at pinagsabihan ang tatlo. Inakala raw ni Marie na doon na matatapos ang lahat at aalis na ang dalawang babae.
Pero hindi nagtagal, napansin ni Marie na wala sa kanilang bahay ang kaniyang mister. Kaagad daw na nagtungo si Marie sa isang kubo at doon niya naaktuhan ang mister at si Leslie na nagtatalik.
Sinaksak ni Marie sa braso at maselang bahagi ng katawan si Leslie, habang nakatakas ang kaniyang mister.
Sumuko sa pulisya si Marie. Dinala naman sa ospital ang biktima.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Marie, na sinampahan ng reklamo sa piskalya nitong Martes.

Leave A Reply

Your email address will not be published.