Advertisers

Advertisers

Liza na-bash sa pagsawsaw sa isyung pa-pantry ni Angel

0 247

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

PINALAGAN ang comment post ni Liza Soberano tungkol sa paghingi ng paumanhin ni Angel Locsin sa nangyari na pa-pantry sa kanyang kaarawan.

Nai-post ito ni Angel na may pa-pantry ito na dinagsa naman ng tao dahilan para may mamatay na senior citizen.



Kaya ganun na lang ang pag-ako ng aktres sa kasalanan dahil sa pagsugod ng mga kababayan nating Pinoy.

Hindi naman matapus-tapos ang paghingi ng sorry ni Angel sa pamilya ni Rolando Dela Cruz na isang balot vendor.



Sinuportahan naman ng mga kapwa niya artista si Angel tulad nina Anne Curtis, Iza Calzado at Vice Ganda.

Pero sa post comment naman ni Liza ay tila ‘di nagustuhan ng netizens ang komento ng gf ni Enrique Gil.



Bakit nga raw magso-sorry si Angel at hindi naman daw nito kagustuhan ang nangyari sa pa-pantry nito.

Kaya naman pinutakti ng bash si Liza ng mga netizen at ganda lang daw meron si Liza at maging sensitive naman daw ito sa kanyang mga komento lalo na nga raw may ‘di magandang kaganapan.

Buti pa nga raw si Angel eh alam nito ang kanyang pananagutan sa nangyari at hirit pa ng bashers na huwag na nga raw makisawsaw si Liza at hindi naman niya isyu yun.

Nagpaliwanag naman si Liza na namis-interpret nga lang daw ang sinabi nito sa kanyang socmed.

Sa kabilang banda ay humingi na rin ng paumanhin si Liza sa kaanak ng matandang namatay sa pa-pantry ni Angel.

Nakiusap naman ang LizQuen fanatics na huwag naman daw batikusin ang kanilang idolo.

***

Ellen umamin mala-kugon ang bunganga sa pagyoyosi

May 17 years old lang daw si Ellen Adarna noon nang magsimulang humithit ng yosi as in nahirapan itong itigil hanggang sa pumasok na ito sa showbiz.

buti na nga lang daw at nakahanap ito ng alternative na kapalitan ng yosi.

Pagmamalaki pa ni Ellen na 3 years na nga raw ito hindi nagyoyosi.

Gamit naman nito ay vape na mayroong fruity flavor.

Nahirapan nga raw si Ellen na itigil ang nakasanayan na paninigarilyo.

Pero dahil nagustuhan nitong huminto ay tatlong taon na nga raw ‘di na siya nagamit ng yosi na napalitan ng vaping.

Sa kabila ng pagtigil nito sa paghithit ng yosi eh ‘di naman ito tumigil sa kanyang pagwo-work out at minsan nga raw ay kasama pa niya ang fiance na si Derek Ramsay.

Fave naman nila ay ang jumping rope kung saan sila nagwo-work out.

Isa na rin sa inaabangan  ng netizens ay ang nalalapit na intimate wedding ng celebrity couple.

Well, well, well…’Yun na!