Advertisers

Advertisers

Pagsuot ng face shield pinapatigil na ng ilang doktor

0 533

Advertisers

PINAPATIGIL na ng ilang doktor ang mandato sa publiko na magsuot ng face shield.

Ayon sa isang social media post ni Dr. Gideon Lasco, isang medical anthropologist, nagawa naman ng ibang bansa na makontrol ang pagkalat ng COVID kahit hindi nila pinagsuot ng face shield ang kanilang mamamayan.

“What do all countries that have controlled COVID have in common? They never required face shields,” ani Lasco.



“It’s time to end the Philippines’ baseless, inconvenient, and environmentally harmful face shield mandate, especially in outdoor spaces where there’s zero evidence of its benefit,” dagdag pa ng doktor.

Para sa isa pang doktor na si Benjamin Co, sapat na ang eyeglasses o sunglasses kung proteksyon sa mata ang gamit ng face shields. Dagdag pa niya, hindi naman makakapasok ang virus sa mata basta’t hindi ito kukusutin gamit ang kamay.



Ang panuntunan ng pamahalaan sa pagsusuot ng face shield ay base sa isang pag-aaral noong 2020 kung saan may 50 health workers sa India ang hindi nakakuha ng COVID-19 matapos magsuot ng face shields sa gitna ng isang komunidad.

Ngunit ayon kina Co at Lasco, research letter lang ito at iba sa isang “well-controlled study.”



Giit pa ng dalawang doktor, sa mga ospital, loob ng pasilidad at sa mga lugar na hindi maayos ang bentilasyon lamang kakailanganin ang pagsusuot ng face shields. (Josephine Patricio)