Advertisers
Ni WALLY PERALTA
TSIKANG kung si Judy Ann Santos ay hindi nag-back-out sa Pinoy Adaptation ng sikat na seryeng “Doctor Foster,” buong ningning na sinabi ni Piolo Pascual na sakaling sa kanya i-offer ang leading man role, na napunta kay Zanjoe Marudo, ay agadniyang tatanggapin ang offer.
“Juday is Juday. I’m always gonna be a fan of Juday. Laki ng utang na loob ko doon. If there’s a chance for us to work again, anytime.
“Could’ve been nice but I’m happy for Jodi and Zanjoe. They are my friends too. And I’m sure kayang kaya nila ‘yon,” saad ni Piolo.
Kaya nganga na muna ang mga supporters ni Papa P na mapanood siya sa teleserye. Pero hindi naman mami-miss ng mga fans ang kanilang idolo dahil abala ngayon ang actor sa paggawa ng mga pelikula.
“I just skip TV because I want to focus on being a probinsyano. My passion has always been the movies. I love films. That’s really my priority. I’m gearing towards doing just movies for now,” saad pa rin ni Piolo.
In fernes naman kay Piolo ay super abala ito sa paggawa ng movies. Tatlo lang naman ang pelikula ngayon ni Papa P bukod siyempre sa 3 rin movies na nagawa na niya and ready for showing. Kabilang dito ay ang pelikulang pinagsamahan nila ni Alessandra de Rossi.
Mayroon din siyang ginawang pelikula kasama si Jasmine Curtis, sa direksyon ni Paul Soriano. And one movie with direktor Brillante Mendoza.
***
LABIS ang kasiyahan noon ni Carla Abellana nang masabihan siyang magbibida muli sa isang teleserye na kasama si Derek Ramsay, na sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag-back-out for health reason ng family niya at napalitan naman ni Rocco Nacino, at Max Collins-Magno.
Sa tanang showbiz career ni Carla, hindi pa raw nangyari na may offer agad siyang serye kahit patapos pa lang ang serye nila noon na “Love Of My Life”.
“It came to my surprise last March when I was informed I was to be part of a new primetime show – something I did not expect because normally I would have at least 4 months off after finishing one.
This time around, ‘Love of my Life’ was just about to end and I found myself preparing for a new role almost immediately. Thank you for the blessings, Lord! I promise to do my best,” saad ni Carla.
Ang naunang plano ay pagkatapos ng kanyang serye ay aasikasuhin naman niya ang kasal nila ng fiance na si Tom Rodriguez this coming October. Si Tom ay nasa lock-in taping ngayon para sa serye nila nina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith, ang “The World Between Us”.
“Tom also has a new show. Not that I’m sad he has a new show but I’m sad we won’t be seeing each other in the next couple of months. Even if my break in between lock-in taping, unfortunately ‘yung mga break namin hindi nagtugma.”
Okey na sana ang set-up ni Tom sa lock-in taping habang siya ay mag-aasikaso ng kanilang kasal pero dumating naman ang isang work at kailangan na niyang mag-umpisa ng lock-in taping para sa bagong teleserye na “To Have and To Hold”.
“Unfortunately it’s going to be like that until September. It’s going to be the longest time we’ll be apart which is more or less four months. Nagkataon pa kung kailan preparing kami to get married, wedding prep and all. But thankfully, we have work. We are very grateful that we both have work,” sey pa rin ng soon to be Mrs. Tom Rodriguez.