Advertisers
DALAWANG kalansay ng tao at kabaong ang nahukay sa pagtatayuan ng gym sa Rizal Lapuz Sur, Iloilo City.
Ayon kay Rolly Barcelona, isa sa mga naghuhukay ng lupa sa nasabing lugar, naghuhukay sila para sa pundasyon ng gym nang makita ang dalawang kalansay ng tao. Nakita rin, anya, sa hindi kalayuan ang dalawang kabaong.
Ayon kay Barcelona, hindi naman dating sementeryo ang nasabing lugar. Kaya nagtataka sila kung bakit may mga nakalibing sa lugar.