Advertisers

Advertisers

Mayor na walang suot na face mask sa pagtitipon nagpositibo sa Covid-19

0 168

Advertisers

NAGPOSITIBO sa Covid-19 ang mayor sa bayan ng Baggao na unang pinagpapaliwanag ng provincial government nang mag-viral ang kanyang mga larawan habang sumasayaw na walang suot na face mask sa isang pagtitipon sa Cagayan.

Ayon sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office, kinumpirma na nagpositibo sa RT-PCR test si Mayor Joan Dunuan ng bayan ng Baggao batay sa ipinalabas na resulta.

Tahasan umanong lumabag si Dunuan sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine na inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa pagkalat ng Covid-19 virus nang kumalat sa social media ang kanyang video at mga larawan na sumasayaw na walang suot na face mask sa isang malaking pagtitipon.



Sa Memorandum Order 075 na ipinalabas ng Cagayan Provincial Government nitong Biyernes, pinagpapaliwanag ni Governor Manuel Mamba si Dunuan hinggil sa mga naglabasan sa social media sa kanyang paglabag sa health protocols.

Sinabi ni Mamba na sa halip na ang nasabing opisyal ang manguna para tularan ng mga mamamayan, siya pa ang hindi sumusunod sa mga nailatag na panuntunan lalo na ang pagsusuot ng face mask na pangunahing gamit lalo na kung nasa mataong lugar.



Batid din umano ni Dunuan na nasa ilalim parin ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) status ang lalawigan ng Cagayan dahil sa mataas na kaso ng Covid-19 lalo na ang bayan ng Baggao na sumusunod sa Tuguegarao City na may may pinakamaraming kaso ng virus.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">