Advertisers

Advertisers

5 mangingisda huli sa iligal fishing

0 268

Advertisers

DINAKIP ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Candijay ang limang mangingisda dahil sa iligal na pangingisda sa Barangay Panas, Candijay, Bohol.

Ayon sa PCG, gamit ng mga mangingisda ang compressor, na paglabag sa Municipal Ordinance No.13 Series of 2017, nang mamataan at maaresto nitong Miyerkules.

Pawang taga-Ubay at Talibon Bohol ang limang mangingisda na kinilalang sina Jason Pranom Salipong, 26 anyos; Jame Miasco Enoc, 30; Marnel Tremotcha Ibañez, 36; Vence Albert Pagea, 21; at Ritche Acojedo Dabasol, 27.



Itinurn-over na ng PCG sa Municipal Police Station Candijay ang mga naaresto. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">