Advertisers

Advertisers

Maricel nahuhumaling sa mga apo sa pamangking si Meryll

0 329

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

PALABAN at matatag na ngayon na Andrea Torres ang humaharap sa masa pagkatapos halos ng ilang buwan na hiwalayan nila ng dating boypren na si Derek Ramsay.

Dagdag pa rito ang pagkakaroon agad ng bagong karelasyon ng aktor at may bonus pang proposal sa fiance na si Ellen Adarna.



Isa sa paraan ni Andrea para makapag-move-on ay ang pagiging abala sa bagong teleseryeng ginagawa, ang “Legal Wives” kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali. Bukod dito ay tinulungan ni Andrea ang sarili sa pamamagitan ng pagiging open minded at lakas ng loob na harapin ang lungkot.

“Kailangan mong tulungan ‘yung sarili mo. Kailangan mas mag-focus ka doon sa positive. Huwag kang mag-focus sa, ‘Ay hindi nag-work,'” sabi ni Andrea.



“Ang importante talaga diyan, kailangan mo siyempre i-embrace ‘yung process. Proseso ‘yan ‘di ba? At ang una doon, kailangan may acceptance ka. Once na-accept mo at na-reflect mo ‘yung nangyari sa relasyon, makuha mo ‘yung learnings doon sa relasyon, then puwede ka nang mag-move on,” say pa ni Andrea.

***



KUNG may mga taong nagpapasigla ngayon nang husto kay Diamond Star Maricel Soriano, ito ay walang iba kundi ang mga apo niya sa pamangkin na si Meryll Soriano, sina Eli na unang anak ni Meryll sa dating partner na si Bernard Palanca at si Guido na bunso ni Meryll  kay Joem Bascon.

Say ni Maricel, noon daw si Meryll pa lang ang kinagigiliwan nito noong isilang ng kapatid niyang si Bec-Bec ay happy na siya pero ngayon daw ay dumobleng sigla pa ang dulot kay Maria sa pag-aalaga ng dalawa niyang apo kay Meryll.

“Kaya noong dumating si Eli sa buhay namin, aba eh talaga naman, ako ang feeling ko ay akin ang anak, inaangkin ko. Hindi naman pwede siyempre may nanay ‘yon. Tapos hindi pa tayo natapos doon. Walang tuldok, nanganak ulit. Naku pagka-gwapo na naman ng anak, ano ba ito? Si Guido naman ang kinahuhumalingan ng lahat.

“Nakakaloka ang bata, napakaguwapo. Dalawang apo ko na ang guwapo. Kaya sabi ko Diyos ko ano ba ito, dalawa na silang guwapo. Ang suwerte naman namin, di ba?” mahabang say ni Maricel.

Hindi naman pinalagpas ni Meryll ang mga tinuran ng kanyang tiyahin at nag-post ng isang larawan kasama si Maricel sa kanyang social media account at naglagay ng caption na ganito:

“You have always been my kakampi. I love you so much, Tita. Thank you for your support on DearMamaMeme. It means the world to me.”