Advertisers
MATINDING galit ang nararamdaman ng isang ina nang malamang pinagsamantalahan ng kanilang kapitbahay ang kaniyang 3-anyos na anak sa Dagupan City, Pangasinan.
Sa ulat, sinabi ng 23-anyos na ina na nitong Lunes nang mapansin nila ang likido sa underwear ng anak. Kinabukasan panay na ang iyak ng bata.
Bago ang insidente, naglalaro ang biktima sa labas ng kanilang bahay kasama ang isa pang bata.
Pero tinawag daw ang biktima ng 40-anyos na suspek at dinala sa bahay nito at doon pinagsamantalahan.
Sa resulta ng medico-legal, lumitaw na positibong bi-naboy ang bata.
“Masakit. Gusto naming bumawi pero hindi namin magawa. Gabi-gabi naaalala namin ‘yung ginawa sa anak ko,” iyak ng ina ng biktima.
“Walanghiya siya kasi pati bata na walang kamuwang-muwang pinapatulan niya. Nagawa na niya sa anak niya, ginawa niya ulit sa ibang bata,” dagdag ng ina.
Ayon sa pulisya, hinihintay nalang nila ang arrest warrant laban sa suspek para maaresto.