Advertisers
PATAY ang isang kagawad ng barangay na babae nang barilin sa ulo ng dalawang beses ng riding in tandem criminals sa harap ng Hardware sa Purok 2 , Barangay Ibao Este, Calumpit, Bulacan nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Maria Romalie B. Aguilar, 45 anyos, kagawad ng Barangay Mercado Hagonoy.
Sa ulat, 10:00 ng umaga nang barilin ang biktima sa harap ng kanyang tindahan na MRG-Hardware. Dalawang lalaki ang salarin na sakay ng isang Yamaha Mio Sporty na kulay orange at walang plaka. Armado ang mga ito ng kalibre .45 pistola.
Ayon sa kaanak ng biktima, ipinatawag ng isa sa mga salarin si “Kagawad Maneth” dahil hihingi umano ng discount ang mga ito. At uma-lingawngaw ang dalawang putok ng baril at mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa Mc Arthur Hiway.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga pulis kung sino at ano ang motibo sa naturang pamamaslang.(Thony D. Arcenal)