Advertisers
NASAWI ang isang barangay kapitana at tatlo pang indibidwal nang may sumabog sa loob ng bahay nito sa Barangay Pajo, Balud, Masbate, Martes ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Punong Barangay Lina Recto, Mac-Mac Dela Cruz, Ronelyn Bulala at Aisa Sese na nasunog ang ilang bahagi ng mga katawan.
Dahil sa lakas ng pagsabog, bahagi nalang ng pader ng gumuhong bahay ang natira at halos mabuwal rin ang ilang puno sa palibot.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dinamita ang sanhi ng pagsabog na ikinasu-gat ng 7 pang residente, kabilang ang 2 menor de edad.
Nag-iimbestiga pa ang Masbate Police Provincial Office sa pagsabog, inaalam kung bakit may dinamita sa bahay ng ka-pitana.
Ayon sa pulisya, ginagamit sa iligal na pangingisda ang mga dinamita at nakakasira sa yamang dagat ang ammonium nitrate na sangkap nito.(Mark Obleada)