Advertisers
PINABULAANAN ng Malakanyang na isinasantabi nila ang mga lalawigan na may mataas na kaso ng coronavirus sa pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19.
Tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na naaayon sa kinakailangan kung mataas ang kaso ng Covid-19 sa mga lugar na dapat padalhan.
Ayon kay Roque, kaya mas malaking percentage ng bakuna ang naipamahagi sa National Capital Region (NCR) dahil sa mataas ang COVID-19 cases dito.
Aniya dahil sa pagsirit ng kaso ng coronavirus sa ibang lugar nakakatiyak na padadalhan ang mga ito ng Covid vaccines.
Samantala simula kahapon, pwede nang lumabas ng bahay ang mga senior citizen na nakakumpleto na ng dalawang doses ng bakuna kontra COVID-19.
Ipinahayag ni Ret. Major Gen. Restituto Padilla, spokesperson ng National Task Force against COVID-19 na kung sila ay nabakunahan ng ikalawang dose at kung balak nilang mamasyal ay dapat sa mga lugar lamang na pareho ang quarantine classification. (Vanz Fernandez)