Advertisers
TAHASANG itinanggi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na ang pagbubukas ng turismo ang dahilan sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa mga probinsya.
Pahayag ni Sec. Puyat, local transmission ang dahilan kaya’t tumataas ang kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan, at hindi dahil sa pagbubukas ng turismo.
Ayon pa sa kalihim, hindi naman kasi pinapayagan ang isang biyahero o turista na makapasok sa isang lugar ng walang negatibong resulta ng RT-PCR test.
Binigyang diin pa ni Sec. Puyat na mahigpit ding mino-monitor ng DOT ang mga tourism destinations sa bansa. (Josephine Patricio)