Advertisers
MASUWERTENG ‘di napuruhan ang isang pulis nang saksakin ng sinita niyang curfew violator sa Monkayo, Davao de Oro.
Kinilala ni Police Major Emerson Pugong, Officer-In-Charge ng Monkayo Municipal Police, ang sinaksak na si Corporal Janry Cabrera Rabe, 27 anyos, nakatalaga bilang Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 19.
Sa ulat, papauwi sa kanilang bahay ang pulis matapos ang kaniyang duty nang sitahin nito si De-Jun Ruyana Melindo, 29, dahil sa paglabag sa curfew.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Melindo at ng pulis, na biglang inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at tumakas.
Isinugod ng mga tauhan ng Monkayo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa ospital ang pulis para magamot.
Tumungo naman sa Police Station ang live-in partner ni Rabe na kilala ang salarin kaya’t ikinasa ang follow-up operations at naaresto si Melindo.