Advertisers
NAGPAPATULOY sa pag-aalburoto ang Bulkang Taal at nakataas pa rin ito sa alert level 3 matapos itong pumutok na ipinalalagay na explosion type earthquake iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs sa ipinalabas nitong bulletin nagpakita ang bulkan ng maiksing phretomagmatic eruption ang bunganga ng bulkan na nagbuga ng dark grayish na usok.
Sinabi pa ng Phivolcs sa nakalipas na 24-oras ang Bulkang Taal ay nakapagtala ng 29 volcanic earthquakes kabilang ang isang (1) explosion-typoe earthquake at 22 mahinang volcanic earthquakes.
Ayon pa sa Phivolcs patuloy na nakataas sa alert level 3 ang bulkang Taal at pinaalalahanan ang publiko na nasa ilalim ng Permanent Danger Zone (PDZ) ang buong paligid ng bulkang Taal.
Sinabi pa ng ahensya na dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Taal nasa high-risk ang mga barangay Agoncillo at Laurel dahil sa banta ng density currrents at volcanic tsunami sanhi ng banta ng pagsabog.
Ipinagbabawal din ang anumang aktibidad sa Taal Lake at hindi pinapayagan ang pagpasok sa paligid nito.
Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang Civil aviation authorities na abisuhan ang kanilang mga piloto na iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagsabog.
Patuloy ang pagbabantay ng Phivolcs sa Bulkang Taal dahil sa panibagong aktibidad ng bulkan na itinuturing na aktibong bulkan. (Boy Celario)