Advertisers
NAKAPAGTALA pa ng 6,192 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Hulyo 2.
Mayroon namang naitalang 2,212 na gumaling at 177 naman ang pumanaw.
Sa kabuuan nasa 1,424,518 na ang nagkakasakit sa COVID-19 sa bansa.
Habang nasa 1,344,063 naman ang gumaling at 24,973 ang namatay.
Mula sa kabuuang naitalang kaso nasa 55,482 pa ang active cases.
Mayroon namang apat na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng kanilang mga datos sa CDRS.
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.05% sa lahat ng samples na naitest at 0.25% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)