Advertisers

Advertisers

Vaccinators na sasadyain ang ‘pagkakamali’ sa pagba-bakuna, kakasuhan – DOH

0 250

Advertisers

MAPAPARUSAHAN o kakasuhan ang healthcare workers na mapatunayang sinadya ang pagkakamali sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

Ito ang babala ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire kasunod ng ilang mga videos na kumakalat sa social media kaugnay sa hindi tamang pagtuturok ng heringgilya.

“We can not intend to penalize everybody, nandyan tayo… iniimbestigahan natin lahat yan para mas maging mabuti ang ginagawa natin in the coming days,” ani Vergeire.



Pero kung sinadya o intentional na ginawa, sinabi ni Vergeire na ipi-penalize.

“Kung ito ay intensyonal, diyan talaga we will penalize,” ani Vergeire sa media forum.



Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na ang mga vaccinator ay maituturing nang mga eksperto dahil dekada na nilang ginagawa ang pagtuturok.

“Itong mga nagbabakuna sa atin ay experts na kasi dekada na ang binibilang sa ginagawa nilang pagbabakuna.”



“We can see that wala namang masamang intensyon, these are just human errors na we want to improve in the coming days.”

Dumadaan din aniya sa re-orientation ang mga vaccinator sa vaccination sites para masigurong hindi na mauulit ang mga insidente ng pagkakamali sa pagbabakuna. (Jocelyn Domenden)