Advertisers
AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang miyembro ng gabinete nito ang nais na matanggal na si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Subalit ayon kay Pangulong Duterte, walang kadahilanan na tanggalin ang kalihim dahil ito ay walang kasalanan at nagtatrabaho.
Sinabi pa nito na kung desisyon ni Duque ang umalis ay kaniya itong irerespeto pero sa ngayon ay nahihiya aniya ang pangulo na magtanggal ng isang tao na walang kasalanan.
Siya mismo ang nanghikayat kay Duque na samahan siya sa kaniyang administrasyon.
Matatandaang nahaharap sa batikos ang kalihim dahil umano sa kapalpakan nito sa COVID-19 response.