Advertisers

Advertisers

Covid update: 4,289 bagong kaso; 6,399 gumaling; 164 nasawi

0 407

Advertisers

NAKAPAGTALA lamang ang Department of Health (DOH) ng 4,289 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Hulyo 7.

Samantala ay mayroon namang naitalang 6,399 na gumaling at 164 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.3% (47,519) ang aktibong kaso, 95.0% (1,377,132) na ang gumaling, at 1.76% (25,459) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 5, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.6% sa lahat ng samples na naitest at 2.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.



Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">