Advertisers

Advertisers

Covid update: 12,439 bagong kaso; 6,090 gumaling; 165 nasawi

0 249

Advertisers

NAKAPAGTALA muli ang Department of Health (DOH) ng 12,439 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Agosto 13.

Samantala ay mayroon namang naitalang 6,090 na gumaling at 165 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (87,663) ang aktibong kaso, 93.1% (1,583,161) na ang gumaling, at 1.74% (29,539) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 10, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.



Sa patuloy na pagtaas ng mga kaso, pinaaalaalahanan po natin ang lahat na patuloy na sumunod sa minimum public health standards. Kapag naman nakaranas ng mga sintomas ay agad na mag-isolate at kontakin ang inyong Barangay Health Emergency Response Teams. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">